Apat na drug suspect ang inaresto ng mga miyembro ng Southern Police District Special Operation Unit (DSOU), sa pakikipag-ugnayan sa Pasay City police, sa drug-bust operation na humantong sa pagkakakumpiska ng shabu, ecstasy, at high grade marijuana nitong Miyerkules, Ene. 4.

Ani Col. Byron Tabernilla, hepe ng pulisya sa lungsod, kinilala ang mga suspek na sina Dzun Robe May, 26; Lorenzo Lagumbay, 26; Alyssa Caceller Eden, 23; at Joebert Lorenzo Almenario,27.

Sinabi ni Tabernilla na naaresto ang mga suspek dakong alas-3:00 ng madaling araw sa Amazing Show, Barangay 76, Zone 10, Pasay City.

Sinabi ng hepe ng pulisya ng lungsod na nakipag-ugnayan ang mga miyembro ng SPD-DSOU sa mga miyembro ng Pasay City police Sub-Station 1 sa pagsasagawa ng drug buy-bust operation para sa pag-aresto sa mga suspek.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ayon kay Tabernilla, nakumpiska sa kanila ang 20 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P136,000; isang plastic sachet na naglalaman ng 10 hinihinalang ecstasy capsule na nagkakahalaga ng P16,800, at high grade marijuana (kush) na humigit-kumulang 180.1 gramo na nagkakahalaga ng P252,014.

Narekober din ng pulisya sa mga suspek ang P500 buy-bust money; isang puting Mitsubishi Mirage na may plate number NFU 9200, at isang pulang Toyota Vios na may plate number na ABT5344.

Nakakulong ang mga suspek sa custodial facility ng SPD Drug Enforcement Unit (SPD-DEU) at sinampahan ng kasong illegal possession of drugs.

Jean Fernando