Napilitan ang pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) na magpatupad ng provisional service mula North Avenue Station sa Quezon City at Shaw Boulevard Station sa Mandaluyong City at pabalik nitong Martes ng hapon.
Sa abisong inilabas ng MRT-3 dakong alas-4:26 ng hapon, nabatid na bunsod ito ng ‘rolling stock problem’ sa interstations ng Taft at northbound lane ng Magallanes station.
“The MRT-3 is currently implementing a provisional service from North Avenue station to Shaw Boulevard station, and vice versa, due to a rolling stock problem reported at the interstations of Taft and Magallanes (northbound),” advisory pa nito.
Kaagad rin namang humingi ng paumanhin ang MRT-3 management sa perhuwisyong idinulot ng aberya.
Nagsagawa rin agad ng intervention ang mga technical personnel ng MRT-3 upang maayos ang problema at pagsapit ng alas-4:30 ng hapon ay naibalik na sa normal ang operasyon ng MRT-3.
“Update: At 4:30PM, normal operation of MRT-3 resumed. Provisional service has been lifted,” anang MRT-3.