“What if I didn’t take that chance? What if I didn’t risk chasing my dream?”
Ito ang tanong ni Kapuso singer Mark Bautista nang magbalik-tanaw sa kaniyang pagsisimula para sa kaniyang pinapangarap na singing career noon.
Laman ng kaniyang Instagram post kamakailan ang isang kuwento na maaaring lingid sa marami bago pa natamasa ang reputasyon sa showbiz.
Sakay ng isang cargo ship sa Siargao Island, isang kuwento ang binalikan ng noo'y suki ng mga singing competition at gigs sa Cagayan de Oro.
“Nagflashback sakin upon seeing this cargo ship. Ganito sinakyan namin ng brother ko noon for 2 and half days going to Manila,” pagbabahagi ni Mark na noo’y hindi afford ang mahal na plane ticket papuntang Maynila para sa inaasam na “Star For A Night” audition.
Matatandaang first runner-up si Mark ni Sarah Geronimo sa naturang kompetisyon na umere mula 2002 hanggang 2003. Bagamn hindi nasungkit ang kampeonato, ito ang naging malaking oportunidad para sa singer na makilala at kalauna’y maging sikat na mang-aawit sa bansa.
“Now, it’s more than 20 years and it made me question--What if I didn’t take that chance? What if I didn’t risk chasing my dream? It would’ve been a different story by now,” ani Mark sa malinaw na alaala.
Ngayon anang Kapuso singer, “masasabi ko lang it was the best decision I made and I couldn’t be more grateful.”
“God really works in so many ways for things that are perfect for you,” pagtatapos niya.
Ikinaantig ng marami ang kuwentong ito ng singer dahilan para mapakomento rin sa naturang Instagram post sina Marvin Agustin at Poppert Bernadas.
Si Mark ay kilala sa mga kantang “I Need You,” ‘How Did You Know,” bukod sa iba pa.