Ibinahagi ng aktres na si Sunshine Dizon ang tungkol sa isang scammer na may modus operanding ipakalat umano ang "sex video" ng kaniyang bibiktimahin, upang makahutbot ng pera.
Makikita ang kaniyang pabatid sa publiko sa pamamagitan ng kaniyang Instagram posts. Nagpapasalamat na lamang si Sunshine na hindi siya bahagi ng anumang videos na ipinakakalat ng scammer na ito, na inilarawan niya bilang "disgusting and evil person".
Nagbigay rin siya ng warning sa social media personalities at influencers tungkol sa isang lalaking nag-aalok na i-promote o mag-invest sa isang unestablished online gaming site, subalit hanggang ngayon daw, hindi pa nito ibinibigay ang ipinangakong bayad o porsyento. Milyones na raw ang naibibigay rito ng ilang mga kakilala, na isang "old lady" na nag-invest ng ₱1M at isa pa na ₱2.8M naman ang inilagak na pera dito.
Sa isa pang post ay ipinakita pa ni Sunshine ang pinagkakautangan ng scammer na ito.