Todo-relate ang maraming netizens, lalo na ang mga estudyante, sa serye ng video ng isang online personality na isinasabuhay ang tila pagka-cram na sa school requirements ilang linggo matapos ang holiday season.

Ito ang nakakaaliw na aktingan nga pero hindi maikakatwang totoong nangyayari, ng content creator na si Ychan ngayong pagpasok ng 2023.

Unang video pa lang nitong Enero 1, viral hit na ang content ni Ychan kung saan makikitang tila hinahabol na nito ang mga aralin, at iba pang requirements sa eskwelahan matapos ang mahabang bakasyon.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Taranta, at mangiyak-iyak na sa kaniyang video ang online personality na kagaya ng reyalidad ay nangyayari sa marami.

“Beh, lahas mag-celebrate dami mo pa pala gagawen,” komento ni Ychan sa sariling viral video.

Agad na ikinahalakhak at ikinatawa ng marami ang relatable na tagpo sa tuwing pagpasok ng Bagong Taon.

“Akong-ako every time patapos na ang break,” komento ng isang netizen.

“Me, kanina! Hahahaha”

“Ako na ‘to yawa!”

“I remember the days!”

“Good luck na lang talaga!”

“Ipagpapasa-Diyos na lang talaga!”

Umabot na agad sa mahigit 584,000 laughing reactions at 4.8 million views ang naturang video sa pag-uulat.

Nitong Lunes, Enero 2, sinundan pa ni Ychan ang viral hit at kagaya ng una, sumentro pa rin ang kaniyang tema sa tarantang paghahabol na sa mga aralin para sa nakatakdang pagsusulit matapos ang mahabang holiday break.

Parehong halakhak at pagka-relate ang natanggap ng video mula sa daang libong netizens na sa pag-uulat ay tumabo na ng nasa 327,000 laughing reactions at 2.4 million views.

Habang nakuha ng gigil ng naturang video ang tawa ng marami, ilan naman ang tila sineryoso ang usapin.

“May mga dapat baguhin sa edukasyon ng mga estudyante ngayon. Dami na ang ‘di nasisiyahan,” anang isang netizen sa hindi naipaliwanag na konteksto.

“That is why I didn’t give any assignment sot my students for them to happily enjoy their Christmas break,” pagsimpatya ng isang guro sa mga estudyante.