GUINAYANGAN, Quezon -- Isang araw matapos ang selebrasyon ng Bagong Taon, natagpuan ng isang concerned citizen ang inabandonang sanggol na lalaki sa isang sementeryo noong Lunes, Enero 2, 2023 sa bayang ito.

Natagpuan ni Joven Nuga, 39, residente Brgy. Dungawan Central, ang sanggol ay iniulat sa pulisya bandang 3:20 ng hapon.

Rumesponde ang mga pulis sa pangunguna ni Police chief Master Sergeant Alma Marie Cataquiz ang nasabing lugar kung saan iniwan ang sanggol ng hindi pa nakikilalang ina.

Ang sanggol ay nakalagay umano sa isang sako at hindi pa rin putol ang pusod nito.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Kaagad na dinala saGuinayangan Community Medicare ang sanggol para sa medikal na pagsusuri.

Nagsasagawa ang pulis ng imbestigasyon at nangangalap ng footage kuha ng Closed-Circuit Television (CCTV) cameras para rebyuhin na matatagpuan sa mga kalapit na lugar para sa posibleng pagkakakilanlan ng ina.

Nakipag-ugnayan na rin sa lokal na tanggapan ng Social Welfare and Development sa nasabing bayan.