TACLOBAN CITY — Hindi bababa sa dalawang tao ang nasawi habang dalawa pa ang nawawala sa magkahiwalay na insidente ng pagkalunod noong Bagong Taon sa lalawigan ng Leyte.

Sa bayan ng Mayorga, tinangay ng rumaragasang alon ang dalawang seafarer na nagligtas sa isang nalunod na kamag-anak.

Sila ay sina Pastor Oledan, 56, residente ng Jaro, Leyte, na nasagip dakong alas-3:20 ng hapon noong Enero 1 ngunit idineklara dead on arrival sa isang ospital sa bayan ng Abuyog.

Ang isa pang seafarer na si Geronimo Oledan, 43, tubong Brgy. Hiagsam, Jaro Leyte ay nawawala pa rin.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sa bayan ng Tanauan, nasawi ang isang 16-anyos na si Christine Castillo, habang ang kanyang 11-anyos na kapatid ay nananatiling nawawala matapos maligo sa Brgy. Cabuynan. Bandang tanghali na narekober ang katawan ni Christine.

Idineklarang dead on arrival si Castillo sa isang ospital sa Palo, Leyte, habang nawawala pa rin ang kanyang kapatid na si Jhon Mark dahil sinuspinde ang search and rescue operation dala ng sama ng panahon.

Nabatid sa inisyal na imbestigasyon na nag-swimming ang mga biktima kasama ang ilang kamag-anak dakong alas-8 ng umaga noong Lunes, Ene. 2.

Nang dumating ang kanilang kuya Reymark bandang 10:45 a.m., nakita niya ang kanyang mga kapatid sa malalim na bahagi ng dagat na naghihilahan na.

Sinubukan niyang iligtas ang mga ito ngunit sa kasawiang palad, madali silang natangay ng malakas na agos dahil hindi sila marunong lumangoy.

Marie Tonette Marticio