Isang Japanese native at content creator ang agad na nagbigay ng kaniyang saloobin sa mega trailer ng live adaptation ng 70’s hit anime series na “Voltes V” na bagong-bihis nga ng GMA Network.

Ilang oras lang matapos ilabas ng Kapuso Network ang inabangang trailer ng live adaptation noong Linggo, Enero 1, isa si Ryu at kaniyang Ryu Japan YouTube channel sa mga agad na nagbigay-reaksyon sa materyal.

Sa bungad pa lang ng trailer, ilang beses na napa-wow na agad si Ryu sa detalye ng proyekto.

“I love the realness to it,” ani Ryu habang nagpapatuloy sa kaniyang reaksyon.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Napansin din nito ang kapansin-pansin na produksyon at swak na musical scoring, at sound background.

Matatandaang unang lumabas sa bansang Japan noong 1977 hanggang 1978 ang hit anime series na kalauna’y napanuod sa Pilipinas, bukod sa iba pang bansa.

“It looks really really good. I’m really surprised by this cause it was a lot better than I saw. The graphics are really realistic. The actors are good. The scenes are good. The plane scenes are good,” paglalarawan ni Ryu sa kabuuang materyal matapos panuorin ito.

“It looks like a movie to me. It looked really good,” patuloy na papuri pa rin ng content creator.

Basahin: Suzette Doctolero, dinepensahan ang ‘love story at agawan’ sa ‘Voltes V: Legacy’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Sa huli, umaasa naman si Ryu na mapapanood ang live adaptation sa Japan.

Kahit napansin ni Ryu ang aniya’y malaking pagkakaiba ng proyekto sa orihinal na Japanese anime version, excited na rin siyang masubaybayan ito gayunpaman.

“I am so excited to watch this. I am really glad that I can finally see it,” pagtatapos niya.

Ang kaniyang reaction video ay tumabo na sa mahigit 128,000 views pag-uulat.