Kagaya ni Kapuso comedy star Michael V, dinepensahan na rin ni GMA head writer Suzette Doctolero laban sa bashers ang bahagi ng kuwento ng pinag-uusapan pa rin ngayong mega trailer ng “Voltes V: Legacy” ng Kapuso Network.

Ito nga ang laman sa reaksyon ng creative writer sa kaniyang Facebook post nitong Lunes. Enero 2 matapos ngang almahan ng ilang netizens ang partikular na bagong timpla sa kuwento ng Voltes V.

Basahin: Kapuso star Michael V, nagpasaring sa bashers ng ‘Voltes V: Legacy,’ sold na sa trailer pa lang – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Inistal na payo niya, “manood muna bago mag Marites at gumawa na naman ng sariling haka-haka at mga hula.”

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Sunod ngang ipinaliwanag ni Suzette ang aniya’y pangangailangan ng love story plot sa live adaptation ng classic Japanese anime.

“True, walang love story doon sa anime kasi pambata iyon. Cartoons ang tawag naming mga golden era V5 fans. Wala talagang love story sa cartoons na ang target ay kids. Sinong lokong ‘cartoons’ maker ang gagawa nun?” panimula ng manunulat.

Sunod na ipinunto nito ang “imposible” umanong mawala na naturang elemento sa live adaptation sa kuwento tampok ang mga kabataang karakter ng serye.

“Pero dahil ito ay LIVE adaptations, at ang target ay all ages (mula bata hanggang matanda), kaya ginawa naming mas ‘humanized’ ang mga characters. At bilang ang REYALIDAD ay mga kabataang guwapo at magaganda sina Steve, Big Bird, Mark at Jamee kaya yes, may love story, na hindi malaking part sa kuwento pero mayroon. Imposibleng wala,” aniya.

Dagdag na pasaring ng creative writer sa bashers: “Kung yung mga panget na bashers nga, may mga jowa at loma-love story, bakit kaya sila nagrereact kung may love story rin ang mga kabataang mapupusok, at mga guwapo at magaganda pa? 🤣MAG ISIP nga! Mga kinapon ba sila ha???”

“Iba ang anime sa live adaptations. Kasama sa pagsusulat ng live adaptations ang adjustment na gawin silang tao as much as possible. Tao, okey? Hindi cartoons. ✌️🤣,” dagdag na depense ni Suzette.

Sa huli, muli niyang hinikayat ang lahat na manuod muna bago husgahan ang proyekto.

“Karamihan ng shows ko, nauuna ang mga husga tapos pag palabas na, nawawala na ang mga mema. Hay naku, 2023 na, magbago na,” pagtatapos ni Suzette.