Nakatakdang bumiyahe si Pangulong Bongbong Marcos sa China para sa kanyang state visit  mula bukas, Enero 3-5, 2023.

Ito ay sa kabila ng mataas na bilang ng kaso ng Covid 19 sa nasabing bansa.

Ayon sa Department of Foreign Afdairs (DFA),  binigyan sila ng katiyakan ng Chinese government na sisiguraduhin nila ang kaligtasan ng Pangulo.

Wala naman pagtitipon ang Filipino Community sa pagbisita ng Pangulo sa China bilang bahagi ng pag-iingat.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Sa nasabing pagbisita, inaasahang malalagdaan ang ilang kasunduan sa pagitan ng China at Pilipinas at matatalakay din ang isyu sa West Philippine Sea (WPS).