Mahigit sa 2,600 na pulis ang pinarusahan dahil sa iba't ibang kaso noong 2022.

“Mahigit 2,000 nga pong police ang nabigyan ng iba't ibang penalty simula po sa dismissal from the service, suspension, demotion, meron pa pong forfeiture of salary, restriction to units,” pahayag ni Philippine National Police (PNP) public information office chief Col. Redrico Maranan sa isang public briefing nitong Lunes.

Sa datos ngDirectorate for Personnel and Records Management (DPRM) ng PNP, pinatawan ng parusa ang mga ito dahil sa kasong administratibo na resulta ng pagkakasangkot sa criminal activities.

Sa naturang bilang, 584 ang tinanggal sa serbisyo, 164 ang na-demote sa kanilang ranggo, at 1,225 naman ang sinuspindi.

National

Dr. Edsel Salvana, nakatanggap ng 'Innovation Excellence Award for Research' mula sa PhilDev

Inaasahan naman ni Maranan na magiging disiplinado na ang mga pulis sa ngayong taon upang hindi sila matulad sa mga nasabing alagad ng batas.