Nakitaan ng pagbaba ang seven-day Coronavirus disease 2019 (Covid-19) positivity rate sa Metro Manila at 19 pang lugar sa Luzon nitong huling linggo ng 2022.

Ito ay batay na rin sa datos ng OCTA Research Group na ibinahagi ni Dr. Guido David sa kanyang Twitter account nitong Lunes.

Banggit ni David, ang positivity rate hg sakit sa Metro Manila ay bumaba sa 9.1% nitong Disyembre 31, 2022 mula sa dating 11.6% na naitala noong Disyembre 24.

Ang positivity rate naman sa Bulacan ay nasa below 5% o mula 9.2% noong Disyembre 24 ay naging 4.4% na lamang noong Disyembre 31.

National

Dr. Edsel Salvana, nakatanggap ng 'Innovation Excellence Award for Research' mula sa PhilDev

Ang 18 pa namang lugar na nakitaan ng pagbaba ng positivity rates sa nasabing mga petsa ay kinabibilangan ng Albay (35.4 to 31.3%); Batangas (10.6 to 7.8%); Cagayan (14.3 to 8.5%); Camarines Sur (27.3 to 16.6%); Cavite (10.6 to 8.6%); Ilocos Norte (8.8 to 5.6%); Ilocos Sur (44.8 to 25.4%); Kalinga (41.7 to 9.1%); La Union (9.7 to 8.1%); Laguna (19 to 10.5%); Mountain Province (7.8 to 7.3%); Nueva Ecija (34.8 to 28%); Pampanga (16.6 to 12.3%); Pangasinan (11.6 to 7.2%); Quezon (15.4 to 14.2%); Rizal (23.4 to 15.8%); Tarlac (15 to 10.4%); at Zambales (11.7 to 6.9%).

Nakitaan naman ng pagtaas ng Covid-19 positivity rate ang Isabela (21.2 to 37.6%); Bataan (12.8 to 13.7%) at Benguet (8.2 to 9%).

Ang positivity rate ayporsyentong mga taongnagpopositibosa sakit mula sa kabuuang bilang ng mga taong isinailalim sa pagsusuri laban sa Covid-19.