Matapos kuyugin ng fans ng SB19 o ang “A’Tin” sa Twitter kaugnay ng maling caption sa kanilang ulat nitong New Year’s Eve, naglabas ng pahayag ang TV Patrol kalakip ang paumanhin sa naturang pagkakamali.

Para sa musical street countdown ng Mall of Asia nitong Sabado ng gabi, apat na kilalang artists sa bansa ang nagtanghal para sa ilang masugid na mall-goers.

Kabilang sa kanila ang bandang Spongecola, KAIA, SB19, si Sparkle artist Zephanie Dimaranan at Kapamilya singer Darren Espanto.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Larawan mula Facebook page ng SB19

Sa ulat ng showbiz reporter na si MJ Felipe, bagaman highlight ang maraming fans ng P-pop powerhouse na SB19, kapansin-pansin naman ang maling caption sa ulat nito sa naging broadcast ng TV Patrol, Sabado.

https://twitter.com/JAJAZCullen_s/status/1609145701702987779?t=HziPCSbwpKiw2rSy9X7PQw&s=19

Sa halip kasi na SB19, ang mababasa sa caption ng ulat kasama si Darren at Spongecola at ang P-pop groups na BINI, at BGYO.

Agad na napansin ng dismayadong A’Tin ang pagkakamali ng programa.

“Your headline is misleading, wala naman sila sa line-up,” saad ng isang fan.

“Paki-double check po sana ‘yung headline,” segunda ng isa pa.

Naglabas din ng sama ng loob ang dagdag na fans sa anila’y paulit-ulit umanong kaugnay na pagkakamali ng istasyon pagdating sa SB19.

“Its ok to make mistake...BUT DONT! UTANG NA LABAS PLEASE DONT!!! ILANG MISTAKES NA TO! or sadya?! what the heck.😓🤦

“Grabe naman yon @TVPatrol favoritism yarn?Ang misleading ng headline nyo bago bago mga men.”

“Wala namang BINI at BGYO napaghahalataan kayo @ABSCBNNews. @SB19Official ang andyan. Tsk, tsk, kaya di sisikat talents nyo lagi nakisawsaw!”

Sa huli, naglabas ng pahayag at paumanhin ang programa nitong Linggo, Enero 1.

https://twitter.com/felip_twts/status/1609502114023366656?t=0Q5jvK69CRL4hW_cSVOs3w&s=19

“Isa lang pong paglilinaw, SB19 po ang P-pop group na kabilang sa performers sa New Year’s street party sa isang mall sa Pasay City, taliwas sa caption ng aming ulat kagabi. Muli, paumanhin po sa A’Tin, at Kapamilya viewers and netizens,” anang host ng programa na si Zen Fernandez.

Tinanggap naman ng fans ang naging maagap na pahayag ng programa.

https://twitter.com/acetwtts/status/1609506455341912064

“This is not about the fandom measuring its power but standing for what is right. No one shall be deprived of this kind of apology. SB19 and A'TIN deserve this kind of respect,” anang isang fan sa huli.