Pasabog sa unang araw ng Enero sa social media ang esports player na si Tristan Cabrera o mas kilala bilang "Yawi Esports" dahil sa isyung kinahaharap ngayon, patungkol sa umano'y pakikipag-chat sa ibang babae kahit na may kasintahan na siya.

Kamakailan lamang, si Yawi ang naging pinakabagong celebrity na binatikos ng netizens dahil sa umano'y panloloko sa kaniyang girlfriend na si Jennifer Nierva ng National University.

Nagulat ang lahat nang i-post ni Peter Bryce o mas kilalang "Basic Gaming" ang ilang screenshots ng pakikipag-usap umano ni Cabrera sa ibang merlat, na naging dahilan daw ng "hiwalayan" nila ni Nierva.

"happy new year," simpleng caption ni Peter sa kaniyang Facebook post.

National

Pinili ng Santo Papa: Rector ng Quiapo Church, bagong obispo ng Diocese of Balanga

Matatandaang 'third party' rin umano ang naging dahilan ng hiwalayan nila ng ex-girlfriend na si Andrea "Andeng" Angeles noong Hulyo 2021.

Unang umani ng espekulasyon ang hiwalayan nina Yawi at Nierva matapos burahin ng dalawa ang kanilang mga larawan at videos sa kani-kanilang social media accounts.

Kinondena naman ng maraming fans sa social media ang ginawa ni Yawi. Ang ilan sa kanila ay pinagtatawanan pa ang kaniyang kakayahan sa paggamit ng wikang Ingles.

Narito ang komento ng ilang netizens:

"NEW YEAR, NEW CHISMIS!"

"2023 na, character development naman jan iiidolo HAHAHAHAAHA."

"KAHIT SI GOOGLE MAHIHIRAPANG ITRANSLATE PINAGSASABI NETO EH."

"FIRST ISSUE NG 2023 PUTUKAN AGAD."

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag si Cabrera tungkol dito. Bukas ang Balita Online sa kaniyang panig.