Pag-asa at optimismo ang bitbit ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. para sa lahat ng mga Pilipino, sa pagdiriwang ng Bagong Taon.
Nagbigay ng mensahe si PBBM para sa matiwasay na pagdiriwang ng pagpasok ng 2023.

Hinimok ni Marcos ang mga Pilipino na panatilihin ang pagkakaisa bilang isang bansa upang tuluyang makabawi ang Pilipinas mula sa dagok ng pandemya at iba pang mga pagsubok na paparating sa taong ito. Hinikayat niya ang lahat na panatilihin ang magagandang katangian ng pagka-Pilipino, gaya ng "Bayanihan spirit".