Inilabas na ng GMA Network ang mega trailer ng isa sa mga pinakamalaki at pinakamagastos na proyekto ng GMA Network na mapapanood na ngayong 2023---ang "Voltes V Legacy" na talaga namang usap-usapan na sa social media.
Ayon sa ulat, halos dalawang taon daw ang iginugugol ng produksiyon upang lumapit ang standard nito sa orihinal na nag-produce ng kinalakhang Japanese animation series ng generation X, na paulit-ulit ding inere sa Kapuso Network noon.
Batay sa komento ng mga netizen ay mukhang worth it daw ang paghihintay ng Voltes V at Kapuso fans sa bersiyon ng Pinas, na pagbibidahan nina Miguel Tanfelix, Radson Flores, Matt Lozano, Raphael Landicho at Ysabel Ortega, sa direksiyon ni Mark Reyes.
Ang mga eksena kasi ay dumaan, kinonsulta at inaprubahan ng Toei Company at Sunrise kaya makatitiyak daw ang viewers na hindi "puchu-puchu" lang ang CGI o computer-generated images nito.
Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng mga netizen.
"Only through our support will production outfits realize that there is a market & these kinds of shows are worth investing in. This has to go way beyond network war. Deserve ng Filipino audience ang ganito at mas higit pang kalidad ng mga shows."
"Kapamilya ako pero I will give to GMA Network."
"Wow… very promising! Sana maging consistent lang sa storyline at huwag nang lagyan ng mga kabit-kabit. Huwag masyadong magpokus sa love story."
"Kudos sa GMA ngayon pa lang! Kaya naman pala ang mga ganitong ginastusang productions. Sana ito na ang simula. I could say na trend-setter talaga ang Kapuso Network sa mga ganito."
"Sinimulan ng Maria Clara at Ibarra na patawid na sa El Filibusterismo, gumagaling na ang GMA sa pagpo-produce ng mga ganitong shows. Pagpatuloy n'yo lang!"
"
Let's volt in to the new year as we proudly present the highly-anticipated #V5LegacyMegaTrailer of #VoltesVLegacy!
Get ready for one epic ride this 2023 on GMA, mga Kapuso!" sey sa caption ng Facebook post mula sa GMA Network.