Usap-usapan ngayon ang "pasabog" ni Kapuso actress Kylie Padilla bago matapos ang 2022 kung saan tila ibinahagi niyang may bago na siyang pag-ibig o "rumored boyfriend".

Makikita sa ibinahaging video ni Kylie sa kaniyang Instagram account ang ka-"HHWW" o holding hands while walking habang namamasyal sa bansang Thailand.

"wandering with another fellow wanderer," saad niya sa caption.

Sey ng NBI: 'Fugitive Senator Dela Rosa will be arrested whether he likes it or not'

Nakasarado naman ang comment section ng IG post kaya walang nagtanong kung sino ba ang kaniyang "fellow wanderer" na makikitang may burda ng tattoo sa katawan.

Matatandaang sa paghihiwalay nila ng estranged husband na si Aljur Abrenica, sinabi ni Kylie na napagkasunduan nilang pareho na malaya na silang magmahal ulit sa iba.

Ang nauugnay nga kay Aljur ay ang Vivamax actress na si AJ Raval.