Tila sa isang Instagram post ay winasak ng Kapuso actress at fashion socialite na si Heart Evangelista ang mga espekulasyong hiwalay na sila ng mister na si Senador Chiz Escudero, na ilang buwan na ring usap-usapan, at hanggang sa pagtatapos ng 2022 ay patuloy pa ring laman ng showbiz tsikas.

Ibinahagi ni Heart ang kaniyang IG post kung saan makikitang magkasama sila ni Chiz na nagdiwang at sumalubong sa Bagong Taon, kasama ang mga anak ng senador na sina Quino at Chelsea.

"Happy 2023," simpleng caption ni Heart.

Eleksyon

'Bloodbath impeachment’ na bet ni VP Sara, pinalagan ni De Lima: 'Mindless arrogance!'

Sa isa sa mga litratong kalakip nito, makikita ang pagkakahawak nila ng mga kamay ng mister.

Noong Disyembre 27, nag-post si Heart na uuwi siya ng Pilipinas upang makasama ang asawa.

“Living between 2 worlds Paris and Manila 2 clocks in one @philipsteinph walking around Paris before heading home for New Year. PS. See you soon @escuderochiz.”