Naantig ang damdamin ng mga netizen sa New Year message ni Kapamilya singer Erik Santos para sa kaniyang sarili, na ibinahagi niya sa kaniyang Instagram post ngayong Enero 1, 2023.

Matatandaang bago matapos ang 2022 ay namayapa ang kaniyang inang si Angelita Ramos-Santos dahil sa isang karamdaman.

Naging malungkot ang pagdiriwang ng Pasko para sa pamilya ni Erik, subalit kahit na ganito, grateful pa rin siya sa taong 2022.

"Dear Ten Ten,"

Metro

Hinahanap daw ang anak: Lolo na may Alzheimer’s nahulog sa creek, nalunod!

"2022 was really a hard year for you. You have faced so many challenges. Breakdowns after breakdowns. Dealt with lots of frustrations, disappointments, anguish and deep sadness. Cried the most painful tears and fought so many silent battles. After everything, you are still standing strong, surviving… fighting."

"Most of all, you always choose to remain gratefuI."

"I pray 2023 will be easier for you."

"Love, Ten Ten."

Bumuhos naman ang encouraging words para kay Erik mula sa kaniyang mga kasamahan sa industriya, gaya nina Magandang Buhay momshie host Jolina Magdangal, singer Rachelle Ann Go, Jed Madela, KC Concepcion, at talent manager na si Noel Ferrer.

Sa isa pang Instagram post ay makikita ang family picture nina Erik sa pagsalubong ng Bagong Taon. Mapapansing yakap ng ama ni Erik ang urn kung saan nakalagak ang abo ng nacremate na labi ng ina.