Ibinahagi ng TV5 news anchor na si Christine Bersola-Babao, asawa ni Julius Babao, na isinugod siya sa ospital kamakailan matapos kumain ng pancake, at atikihin ng allergy.

Sa kaniyang vlog, sinabi ni Bersola-Babao na hindi siya makatulog kaya ninais na lamang niyang ibahagi ang kaniyang karanasan.

"Hi Guys! Di ako makatulog kagabi so I decided to share my current life happenings to you via this video. Sana makatulong din sa inyo itong experience ko. I Purple You 💜" aniya.

Ikinuwento niya nana isinugod siya sa St. Luke's Medical Center ilang minuto lang makaraang kumain ng pancakes.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

"Nag-crave ako for pancakes so nagpaluto ako ng wheat pancakes using ready-mix galing sa Amerika... Yun ang aking breakfast," salaysay ni Bersola-Babao sa kaniyang vlog.

Pagkatapos kumain, naligo na siya upang maghanda sa pagpasok sa trabaho. Habang nasa shower, naramdaman niya ang pangangati ng kaniyang mukha.

Pagsulyap niya sa kaniyang mukha, naispatan na siya ang pamamantal.

"Pagtingin ko sa mirror mayroon na akong isang pantal. I knew I was having an allergy attack," kuwento ni Christine. Bukod dito, nawalan din umano siya ng tinig, nagsara ang daanan ng hangin sa ilong at tila nagsasara na rin ang kaniyang lalamunan.

Hindi umano ito ang unang beses na inatake siya ng allergy. Ang una raw ay late detection na may allergy siya sa hipon. Buong buhay raw niya, ngayon lamang siya nagkaroon ng reaksiyon sa shrimp.

Nag-panic si Christine kaya nagpasugod na siya kay Julius sa emergency room. Kaagad naman daw humupa ang mga sintomas nang saksakan siya ng epinephrine shot.

Naibahagi pa niya na habang itinatakbo siya sa ospital, todo ang kaniyang dasal na sana'y huwag muna siyang kunin ni Lord dahil katatapos lamang ng Pasko.

"It's to easy and too swift a death for me… wala akong kalaban-laban, kumain lang ako ng pancake," aniya.

Bukod sa kaniyang naranasang allergy attack, ibinahagi pa ni Christine ang isa pa niyang health concern: ang matinding pananakit ng kaniyang likuran dulot ng "neck arthritis".