Kinaaliwan ng mga netizen ang ibinahaging video ni Kapamilya actress Chie Filomeno sa Instagram, matapos niyang ipakita ang tradisyong pagtalon-talon sa pagsapit ng alas-dose ng hatinggabi, sa pagsalubong sa Bagong Taon nitong Disyembre 31.
Makikitang lumundag-lundag si Chie habang sapo-sapo ang kaniyang dibdib.
"Yung inantay talaga mag 12mn! May pag-asa pa yang hinaharap mo Chienna!! HAHAHAHAHHA ITALON MO PA! Happy New Year!!!" aliw na caption ni Chie sa kaniyang Instagram post.
Laugh trip naman ang mga netizen sa kaniyang ginawa, batay sa comment section.
"HAHAHAHAHAAA 2023 Ilaban mo naaaa!! Happy New Year Chieeee!!"
"Hahaha wag mawalan ng pag-asa, Chie!"
"Happy New Year, Chie!!!"
Sa tradisyon ng mga Pilipino, sinasabing ang paglundag o pagtalon sa pagsalubong ng Bagong Taon ay magpapadagdag sa laki o tangkad ng isang bata.