Sinabi ng Bureau of Immigration (BI) na handa silang magpatupad ng travel restriction para sa mga pasaherong papasok mula sa China kung sakaling magpasya ang health authorities ng bansa.
Inilabas ni BI Commissioner Norman Tansingco ang pahayag habang patuloy na tumataas ang mga kaso ng Covid-19 sa maraming probinsiya ng China.
Nagsimula na ang Italy at marami pang ibang bansa na magpatupad ng mga hakbang sa travel precautionary measures para sa mga pasaherong lumilipad mula sa China upang pigilan ang bagong variant ng virus na makarating sa kanilang mga baybayin.
"Kinukuha namin ang hudyat mula sa Malacanang at sa Department of Health sa posibleng pagpapatupad ng mga bagong paghihigpit sa paglalakbay," isinalin na pahayag ni Tansingco.
"Handa kami anumang oras na ipatupad ang anumang mga hakbang na sa tingin ng gobyerno ay angkop upang maiwasan ang panibagong pag-atake sa Pilipinas," dagdag niya.
Matatandaang sa kasagsagan ng pandemya, ipinatupad ng BI ang country-by-country Covid-19 travel bans.
Iniulat din ng BI na 30,002 Chinese tourists lamang ang nakapasok sa bansa noong nakaraang taon, mas mababa sa kalahating porsyento ng kabuuang arrivals.
Sinabi ng hepe ng BI na bago ang pandemya, ang mga mamamayang Tsino ang pangalawa sa pinakamataas na arrivals, kasunod ng South Korea.
Jun Ramirez