Napurnada ang dapat sana’y masayang salubong sa Bagong Taon ng pamilya ni “Tita Krissy Achino” sa Tagaytay ngayong Sabado matapos mabiktima ng kapani-paniwalang online booking scam.

Ito ang mababasa sa Facebook post ng online personality, Sabado kung saan detalyado niyang ibinahagi ang mapagkumbinsing modus.

Isang “Martha Royal Estate” na na-book umano sa isang online booking site ang nakuha ng ate ng online personality kung saan tila swak ang offer nito.

“Malinis ang mga rooms (based sa mga photos posted on their FB Page), may towels, may ‘heated’ pool, spacious ang lugar, may lutuan, at pwede ang mga aso. My sister tried to message them directly sa Facebook Page nila, for easier and faster communication. Responsive naman sila and very accommodating sa mga questions naming,” ani Tita Krissy.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Sunod na hiningan na nga sila ng inisyal na deposit na kalauna’y nabigay ang kabuuang halaga para sa discount. Dagdag nito, isang nakakasilaw na offer pa ang dagdag na kinuha ng pamilya ng online personality.

Sa kabuuan, nasa mahigit P13,200 ang walang hirap na nalimas ng scammer sa naturang modus.

“Nanlumo kami because we were SCAMMED. We’re looking forward to celebrate this NYE pa naman ng maayos at matiwasay. According to the village guard, ilang tao ang pumunta last Christmas, only to find out na they were also scammed. ‘Yung ilan sa kanila, between ₱25,000 to ₱30,000 ang na-deposit. Nakakainis lang, na nakakaiyak. Wala na talagang pinipiling araw at panahon ang mga SCAMMERS,” ani Tita Krissy.

Sa huli, nagpaalala ang online personality sa kaniyang followers na ibayong mag-ingat sa parehong tangka ng panloloko online.