Magpapatupad ng bawas-presyo sa kanilang liquefied petroleum gas (LPG) ang tatlong kumpanya ng langis sa Enero 1, 2023.

Sinabi ng Petron Corporation na babawasan nila ng P4.20 kada kilo ang kanilang produkto.

Tatapyasan din ng P2.35 ang presyo ng kada litro ng AutoLPG.

Aabot naman sa P3.09 ang itatapyas ng Solane sa kanilang LPG.

Idinahilan ng mga ito ang paggalaw ng presyuhan sa pandaigdigang merkado.