Ang Commission on Human Rights (CHR) ay nagpahayag ng pag-asa na ang taong 2023 ay maghahatid ng "pangmatagalang hustisya at kapayapaan" na maaaring maisakatuparan "sa oras na tumigil na ang impunidad, paniniil, at karahasan."

Kaya, muling nanawagan ang CHR sa gobyerno na “gampanan ang mga obligasyon nito sa internasyonal at konstitusyonal sa karapatang pantao sa pamamagitan ng paghahangad ng transisyonal na hustisya at pagkakaloob ng mga reparasyon para sa lahat ng pang-aabuso sa karapatang pantao.”

Sa isang pahayag na inilabas noong Sabado, Disyembre 31, sinabi ng CHR: “May we be reminded that human rights lie at the core of our human dignity. Our liberties and freedoms are what makes us human, and a just and humane society is where equality and diversity persist.”

Nangako ang ehensya na papalakasin pa ang mga natamo ng kilusang karapatang pantao ngayong taon habang hinihintay nito ang pagkumpleto ng Sixth Commission.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ang mga bagong miyembro ng Sixth Commission en banc (full commission) ay sina Chairperson Richard P. Palpal-latoc at Commissioner Beda A. Epres.

“What remained constant amid all these developments is the Commission’s commitment to its mandate to protect and promote the human rights and dignity of all; prevent human rights violations against those on the margins of society; and continue to be a proponent of a human rights-based approach in all government policies and actions,” sabi ng CHR.

Ngunit higit pa sa pagtindig para sa mga marginalized, naging abala rin ang CHR sa paglalantad ng katotohanan at paghingi ng pananagutan para sa mga biktima na ang mga likas na kalayaan ay inabuso o binalewala.

Ngayong 2023, sinabi ng CHR na inaasahan nito ang panibagong sigla sa paninindigan para sa karapatang pantao.

"May many more follow suit and feel empowered to exercise their right to expression and assembly in the interest of upholding social justice and democracy,” sabi nito.

“We shall take on every opportunity in the present and the future to exemplify and embody our mantra: ‘CHR ng Lahat. Naglilingkod Maging Sino Ka Man,'” dagdag nito.

Czarina Nicole Ong Ki