Nag-aalok na ng sibuyas na ₱170 kada kilo ang mga Kadiwa store sa Metro Manila, ayon sa pahayag ng Office of the Press Secretary nitong Linggo.

Sa pahayag ng DA, layunin nilang mabigyang ng abot-kayang presyo ang mga mamimili sa gitna ng tumataas na presyo ng sibuyas sa merkado.

Tiniyak din ng ahensya na tuloy-tuloy ang implementasyon ng nasabing programa.

Bukod dito, mabibili rin sa mga Kadiwa store ang mga murang prutas na inihahanda ngayong bisperas ng Bagong Taon.

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Pinayuhan din ng ahensya ang publiko na magtungo lang sa mga sumusunod na Kadiwa sites na bukas ngayong Disyembre 31: ADC Kadiwa Store, DA Central Office, at Petron Station, Brgy. South Triangle, Timog cor. Sgt. Esguerra sa Quezon City; Petron Station, San Joaquin sa Pasig City; Farmers Collective, The Podium, Julia Vargas cor. ADB Avenue, at California Gardens Plaza, Domingo M. Guevarra St. sa Mandaluyong.