Mahigit anim na milyong lokal at dayuhang pasahero ang dumating sa bansa noong 2022, ibinunyag ng Bureau of Immigration (BI) nitong Sabado, Disyembre 31.

“This is major leap from the last two years wherein our airports recorded fewer arrivals due Covid-19 to travel restrictions,”  sabi ni BI Commissioner Norman Tansingco.

Ang naitalang pagdating, gayunpaman, ay kaunti pa rin kumpara sa 17 milyong pagdating noong 2019, o bago ang Covid-19 pandemic.

“We share the optimism of the Tourism Department that travel is on the rebound and we expect more tourists in the coming months,” dagdag niya.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ayon sa istatistika, 3.6 milyong Pilipino ang dumating sa bansa ngayong taon.

Nanguna ang mga Amerikano sa listahan ng mga dayuhang dumating na may kabuuang 677,136, sinundan ng mga South Korean, 448,491 at Australian, 153,576.

Sinundan sila ng mga Canadian at Japanese na may 141,578 at 123,011, ayon sa pagkakabanggit.

Jun Ramirez