Halos₱140 milyong halaga ng agricultural products ang nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) sa Maynila kamakailan.

Sa pahayag ng BOC, idineklarang udon noodles at frozen dimsum balls ang kargamento.

Gayunman, natuklasan ng mga tauhan ngCustoms Intelligence and Investigation Service-Manila International Container Port (CIIS-MICP) na naglalaman ang mga ito ng pula at puting sibuyas,frozen ox tripe, frozen barbecue, at frozen crawfish.

Nagkakahalaga ng₱139,769,500 ang mga puslit na produktong nasamsam nitong Disyembre 27 hanggang 29, 2022.

Eleksyon

Teddy Casiño, nakasama sina Heidi Mendoza, Luke Espiritu: ‘Maybe next time’

Inihahanda na ang kaso laban sa consignee naTaculog J International Consumer Goods Trading na may tanggapan sa B4, L7, Mariategui HMOA, Alabang, Muntinlupa.

Philippine News Agency