Isa na yata sa mga patok at hindi mawawalang desert sa hapag-kainan ng mga Pilipino sa tuwing may espesyal na okasyon gaya ng Noche Buena at Media Noche ay ang "mango float".
Ang mango float o crema de mangga ay isang Pinoy icebox cake dessert na binubuo ng layered ladyfingers o Graham crackers, whipped cream, condensed milk, at hinog na carabao mangoes.
Kaya naman, laugh trip ang dulot sa social media ng iba't ibang Facebook post na nagpapakita ng "di tinipid sa sangkap pero tinamad" na paggawa ng mango float sa nagdaang Pasko, at siyempre, ngayong papasok ang pagdiriwang ng Bagong Taon.
Makikita sa mga litrato na basta na lamang inilagay ang Graham crackers at ipinatanong ang mga hiniwang mangga.
Ngunit ang isang nagpatawa talaga sa lahat ay ang "self-service" na paggawa ng mango float.
Bet mo bang gawin ito ngayong Media Noche?