Nanawagan si Kabayan Party-list Rep. Ron Salo sa mga may-ari ng baril na maging responsable sa kanilang pagsasaya sa Bagong Taon, o kung hindi man ay makasakit ng ibang tao dahil sa ligaw na bala.

“Panawagan natin na maging responsable ang mga gun owners natin dahil ang baril ay dapat gamitin lamang para sa proteksyon at hindi para gamitin ang pang-ingay para sa pagsalubong ng Bagong Taon,” sabi ni Salo sa isang pahayag.

“Sana ay paigtingin ng pulisya ang pagbabantay at pagpapakulong sa mga nagpapaputok ng baril ngayong Bagong Taon, para sa kapakanan nating lahat,” dagdag ng chairman ng House Committee on Overseas Workers Affairs.

Binigyang-diin ni Salo, isang abogado, na ang iligal na pagdiskarga ng mga baril ay may parusa sa ilalim ng Republic Act (RA) No.11926.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Aniya, apat ang nasugatan ng ligaw na bala sa pagdiriwang ng 2022 New Year.

Ellson Quismorio