Viral ngayon sa social media ang pahayag ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na napanalunan na ang mahigit sa₱521.2 milyong jackpot sa isinagawang draw ng 6/58 Ultra Lotto nitong Biyernes ng gabi.

Anila, kaduda-duda ang pagkakapanalo ng dalawang mananaya na maghahati sa nasabing premyo.

"Something is wrong with the successive big lotto winners during the holidays! On ordinary days no big winners are recorded! Even on 3 digits, very few win. PCSO must come out with explanations," sabi ng isang Rolando Dizon.

"Oo nga.. nakakapagtaka talaga PCSO na 'yan, naku," komento naman ng isang Kristine Flores.

National

Dr. Edsel Salvana, nakatanggap ng 'Innovation Excellence Award for Research' mula sa PhilDev

"Congrats PCSO," singit naman ni Jomar Castillo.

"Iharap sa publiko ang 2 nanalo," sabi naman ni Ian Saenz.

Nitong Biyernes ng gabi, inihayag ng PCSO na nahulaan ng dalawang lucky bettors ang winning combination na01-23-15-03-08-05 na may nakalaang premyong₱521,275,111.60.

Pagkatapos ng draw, hindi binanggit ng PCSO kung saan binili ng dalawang mananaya ang kani-kanilang winning ticket.

Habang isinulat ang balitang ito, wala pang pahayag ang PCSO sa usapin.