Tuwing Disyembre 30 ay ipinagdiriwang ang Rizal's Day, bilang paggunita sa kontribusyon ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal lalo na sa rebolusyon laban sa mga Espanyol. Sa pagdiriwang ng okasyon na ito, narito ang ilan sa mga aral na maaaring matutunan mula at tungkol kay Rizal:

Hindi isinulat ni Rizal ang tanyag na tulang “Sa Aking Mga Kabata."

Sa loob ng maraming taon, maraming historyador at iskolars ang nagdidiskusyon sa tulang “Sa Aking Mga Kabata,” at ang sikat nitong linya na, “Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika, masahol pa sa hayop at malansang isda.” Na ayon naman kay Ambeth Ocampo, isang historyador ay hindi umano ito isinulat ni Rizal.

"Apparently, it's not from Rizal," sabi ni Ocampo sa Filipino sa isang episode ng "The Howie Severino Podcast."

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

“Noong nagsimula akong mag-research tungkol dito, doon ko nakita na wala itong orihinal na manuscript. Inilathala ito pagkatapos mamatay si Rizal.

“Kaya noong una naisip ko, “anong nangyayari?” Kumbaga, hindi si Rizal ang sumulat ng ‘Sa Aking Kababata.’ Dalawa lang daw ang manuscripts na galing kay Rizal na nakasulat sa Tagalog, at pareho silang hindi galing kay Rizal."

Para kay Rizal, mahalaga ang edukasyon upang mabago ang lipunan ng Pilipinas.

“For Rizal, what appears most in his writings is that education is the most important aspect in order to change Philippine society because if we change our beliefs, we change how we interact with one another, our nation will also change. So education was very, very important for him,” ani Ocampo

Mayroong linya si Rizal sa kaniyang nobela na nagsasabing, “What use is freedom if our slaves of today will be the tyrants of tomorrow?” Nakita umano ni Rizal na kaya nating baguhin ang gobyerno ngunit kapag hindi mismo nagsimula ito sa ating sarili, walang magbabago.

Ayon kay Ocampo, para kay Rizal ito ay tungkol sa pagkakaroon ng mataas na pamantayan kung ano ang dapat nating maging, at hindi lamang tungkol sa pagkakaroon ng rebolusyon.

Gamitin ang ating oras nang husto.

Ginugol ni Rizal karamihan sa kaniyang oras ang pagpapabuti sa sarilisa pamamagitan ng pag-aaral. Hindi lamang siya abala sa akademya, ngunit natutunan din niya ang iskultura, pagpipinta, mga wika kabilang ang Aleman, at nakikisabay sa mga pinakabagong pag-uusap sa buong mundo sa aspeto ng pilosopiya at agham.

Sa pamamagitan man ng pagbabasa online o kumuha ng kurso sa lokal na unibersidad, pagkakaroon ng bagong libangan, pagiging bahagi ng isang grupo para sa libangan.

Hindi na kailangang maging isang modelo, artista, sportsperson, o manguna sa anumang uri ngkaakit-akit na papel sa buhay. Ayon sa kaniya, kung nagtatrabaho ka sa isang kumpanya, awtomatiko kang 'asset' nila. Nilalayon ni Rizal na patunayan ang kahalagahan ng kultura ng mga Pilipino bago ang kolonisasyon.

Ang iyong mga halaga, pagsusumikap, at personal na etiks ay may papel sa iyong paglago. Kaya't ipagmalaki at angkinin ito nang responsable.

Mag-focus sa ating mga layunin sa buhay.

Ang paglaban sa kawalan ng katarungan sa lipunan ang nag-iisang motto ni Rizal. Ang nais lamang ng bayani ay ang makalaya ang kapwa Pilipino. Siya rin ay naging pinuno ng kilusang repormista na tinatawag na 'propaganda,' isang kampanya para sa mga kalayaang pampulitika at panlipunan.

Walang tigil siyang sumulat para saLa Solidaridadat sumulat pa nga ngdalawang nobelaupang ihayag ang mga kalupitan ng mga kolonyalistang Espanyol. Ang mga ito ay humantong sa kaniyang pagkamatay—dahilan kung bakit siya'y namatay bilang isang bayani.

Ang ating panahon ay iba kaysa kay Rizal. Gayunpaman, isang bagay ang nananatiling pareho: mga distraksiyon na mahalagang ilayo ang mga abala sa trabaho.

Kung matatandaan, si Rizal ay nakatuon lamang sa kaniyang misyon kaya hindi niya hinahayaan ang kaniyang mga mahal sa buhay o ang kaniyang sariling damdamin na humadlang sa kaniyang mga ipinaglalaban.