Inatasan na ng Department of Health (DOH) ang Bureau of Quarantine (BOQ) na higpitan ang ipinatutupad na quarantine protocols laban sa mga Chinese tourist na pumapasok sa bansa sa gitna ngpatuloy na pagtaas ng kaso ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa China.
“To strengthen its existing measures, the DOH (Department of Health) directed the BOQ to intensify quarantine protocols such as heightened surveillance on all respiratory symptoms in all travelers and conveyances coming from China,” bahagi ng pahayag ng ahensya.
Sinabi ng DOH, dapat na mai-report kaagad sa BOQ ang mga pasaherong nakitaan ng mga sintomas ng sakit pagdating nila sa bansa.
Ang hakbang ng DOH ay alinsunod na rin sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. kamakailan kung saan sinabing open siyang magpatupad ng Covid-19 test restrictions laban sa mga biyaherong galing ng China.
Nauna nang inihayag ng DOH na tatalakayin pa ngInter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) ang mga panuntunan sa ipatutupadna border control laban sa mga biyahero mula China.
“The IATF will discuss on the guidelines on how to deal with the COVID-19 resurgence in China, including our border control for Chinese travelers to the country, for recommendation and approval of the President,” sabi pa ng DOH.
Bukod sa Pilipinas, nakaalerto na rin angUnited States, Italy, Japan, India at Malaysia laban sa mga pumapasok na Chinese tourist sa kani-kanilang lugar dahil sa posibilidad na may dala silang virus.