Hindi natupad ng Department of Agriculture (DA) ang pangako nito na bababa na sa ₱250 ang kada kilo ng sibuyas ngayong Disyembre 30 sa gitna ng mataas na presyo nito sa merkado.

Sa isang panayam, sinabi ni Pitang Rodado, isa ring tindera sa talipapa sa Quezon City, aabot pa sa ₱550 ang kuha niya kada kilo ng katamtamang laki ng sibuyas sa Balintawak Market nitong Biyernes ng umaga.

"'Yung sobrang liliit na sibuyas, ₱350 pa ang bili namin kada kilo. Pero, ubos na! Wala nang sibuyas sa Balintawak (market)," sabi nito.

"Nasaan na nga ang sinabi ng DA na ₱250 per kilo? Hinahanap namin, pero wala naman," sabi pa ni Rodado.

National

Dr. Edsel Salvana, nakatanggap ng 'Innovation Excellence Award for Research' mula sa PhilDev

Nitong Huwebes, sinabi ni DA Assistant Secretary Kristine Evangelista na i-implement nila ang ₱250 per kilo ng sibuyas ngayong Biyernes o sa Sabado (Disyembre 31) na bisperas ng Bagong Taon.