Matapos ang tatlong taong relesyon, mauuwi rin sa kasalan ang pag-iibigan nina Kapuso actor Benjamin Alves at nobya nitong vlogger at digital influencer na si Chelsea Robato.

Ibinalita ng Kapuso star sa kanyang Instagram ang magandang balita na may caption na, "What a fairytale it is, to spend the rest of my life with you…"

View this post on Instagram

A post shared by Benjamin Alves (@benxalves)

National

LPA sa labas ng PAR, ganap nang bagyo

Umani naman ng kilig at pagbati mula sa netizens ang soon-to-be groom at bride.

Ilan sa mga bumati ang mga kapwa aktor at aktres ni Benjamin na sina Sanya Lopez, Andrea Torres, Rita Daniela, Kris Bernal, Mark Herras, Winwyn Marquez, Pancho Magno.

"Congrats man! So so happy for you both!" ani Solenn.

"Woot wooot! So happy for you guys!!" bati naman ni Lovi Poe.

"Yasss! A million times yassss," maligayang mensahe naman ni Karylle.

Nitong Hulyo ngayong taon, masayang ipinagdiwag ng couple ang kanilang ikatlong taon bilang mag-partner.