Simula sa pagtungtong natin sa elementarya ay hindi puwedeng hindi natin marinig ang pangalang "Jose Rizal." Bukod kasi na tinagurian siyang "pambansang bayani" ay sino ba namang hindi maiinggit sa angkin niyang husay sa iba't ibang larangan?

Narito ang limang trivia—na maaaring ngayon mo pa lamang malalaman—hinggil sa ating pambansang bayani na tiyak mapapasabi ka ng, "Weh, 'di nga?!"

  1. Alam mo ba na si Rizal ay isang "polyglot?" Siya ay nakakaalam at nakakagamit ng ilang wika. At kapag sinabi kong ilan, hindi dalawa, tatlo, o apat, kundi 22! Oo, nakakapagsulat o nakakapagsalita si Rizal ng 22 wika, ito ay ang mga sumusunod: Filipino, Ilokano, Bisayan, Hebrew, Subanon, Chinese, Latin, Spanish, Italian, Portuguese, Greek, English, French, German, Arabic, Malay, Sanskrit, Dutch, Japanese, Catalan, Swedish, at Russian.
  2. Alam mo ba na mayroong tatlong uri ng hayop na isinunod ang pangalan kay Rizal? Ito ay ang Apogonia Rizali (Heller), isang uri ng maliit na bubuyog o salagubang; Draco Rizali (Wandolleck), isang uri ng lumilipad na dragon; at Rachophorous Rizali (Boetger), isang uri ng palaka.
  3. Kamakailan lamang, nabuksan ang debate kung totoo nga bang 4'11 lamang ang taas ng ating pambansang bayani. Taliwas sa mga kuro-kuro, ibinahagi ng kilalang Historian na si Ambeth Ocampo ang isang sipi hinggil sa tunay na taas ni Dr. Jose Rizal.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Ayon sa historian, sa isang pahina mula sa isa sa mga kuwaderno ni Rizal, kung saan isinulat nito ang kanyang sarili sa edad na 19 na siya ay nakatayo sa paligid ng 61 sentimetro na isinasalin sa 5.28 talampakan o halos 5'3."

  1. Alam mo bang hindi natapos ni Rizal ang kanyang pag-aaral sa medisina, kaya hindi isang lisensiyadong doktor si Rizal.

Bagama't natapos ni Rizal ang isang thesis para sa kanyang doctorate sa medisina, hindi niya teknikal na natanggap ang degree na ito, dahil hindi siya personal na dumating para basahin ang kanyang thesis ayon sa hinihingi ng Central University of Madrid. Noong natapos ni Rizal ang thesis, nag-aaral na siya ng ophthalmology sa Germany.

Ang pagbabasa ng kanyang tesis sa Madrid ay mangangailangan ng karagdagang paglalakbay sa Espanya, na hindi kayang bayaran ni Rizal. Sa halip, ipinadala niya ang kanyang tesis sa unibersidad at umaasa na matanggap ito sa ganitong paraan.

  1. Bukod sa dalawang nobela na Noli Me Tangere at El Filibusterismo, taong 1892, sinimulan ni Rizal ang pagsulat ng kanyang ikatlo at hindi tapos na nobela bilang karugtong ng El Filibusterismo noong siya ay nasa Hong Kong. Sinimulan ni Rizal ang aklat sa Tagalog at binigyan ang unang kabanata ng pamagat na “Makamisa,” na sa Ingles ay nangangahulugang "After Mass."

Si Rizal ay nagsimulang muli sa paglaon, ang pagsulat ng manuskrito sa Espanyol. Nakasentro ang Makamisa sa masamang ugali na si Padre Agaton, kura ng bayan.

Ang dami pa nating hindi nalalaman tungkol kay Rizal, 'no? Kulang ang Disyembre 30 para lamang gunitain at pag-usapan ang husay at impluwensiya ni Rizal sa iba't ibang larangan.