Ramdam ang bigat at sakit ng pinagdadaanan sa bawat bigkas ng mga kataga sa kasagutan ng aktor na si Andrew Schimmer nang makapanayam ng Balita Online sa mismong huling lamay ng kaniyang loving wife na si Jho Rovero sa Sanctuario De San Miguel De Marilao Poblacion sa Marilao, Bulacan. 

Ngayong Disyembre 30 ang libig ng kaniyang asawa sa  Marilao Memorial Garden, Lias sa Marilao Bulacan. 

Noong Disyembre 20 nang ibahagi ni Andrew sa kaniyang social media ang pagpanaw ng kaniyang asawa. Bumuhos ang luha at pakikiramay ng kaniyang mga tagasuporta at sumubaybay sa laban ng asawa sa sakit na severe hypoxemia na umabot ng lagpas isang taon.

Pag-amin niya hanggang ngayon hindi pa rin daw siya makapaniwala sa sinapit ng kaniyang asawa.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

 “Sa ngayon alog pa ako. Sa totoo lang hindi ko pa masyadong naa-absorb. Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Kaya up to now dahan dahan pa rin nagsisink in sa akin," saad ng aktor.

Nabanggit din muli ni Andrew ang nangyaring kapalpakan umano ng nutritionist dahil sa pagtaas ng sodium sa katawan ni Jho na noo’y dapat sana ay recovery na sa bahay nila. Pero dahil diyan isinugod daw nila ulit ito sa hospital at mula roon ay marami na raw ang mga naging komplikasyon. Kagaya raw ng komplikasyon sa kidneys ni Jho na nagsilbing pinakamalaking komplikasyon sa katawan nito na nagkaroon ng multiple swelling sa utak kaya raw na comatose muli ito.

“Bago siya mamatay alas 6:00, 7:00, 8:00, 9:00 am still ok, still ok 9:00 am then after 30 minutes tumawag sila sa akin, ayun na ang nangyari. Actually nasa taping ako ng “Family Feud” kaso humingi na lang ako ng dispensa sa production family. Actually hindi ko na naumpisahan.

Magstart pa lang yung taping biglang tumawag sa akin itong nurse station yun nga ang nangyayari. Nagdesat yung asawa ko. Bumagsak ang vital signs. Nawala yung kanyang blood pressure, bumagsak yung heart rate niya, bumagsak ang oxygen saturation niya. Sa hindi naming malamang dahilan. So yun pa yung iniimbestigahan namin yung kung ano talaga ang totally nangyari. Kasi hindi nila masabi. Napa-puzzled din kami kung ano yung nangyari. Given the fact na yung kondisyon niya is very critical talaga. Although kahit ganoon naman ka-critical ang kanyang kondisyon maganda, maganda yung vital signs niya at that day. Kaya nagtataka kaming lahat. Kahit yung mga nurses doon nagtataka sila," kuwento ni Andrew.

Ayon pa sa kaniya, babalik daw siya ng St. Lukes matapos lang mailibing si Jho para tanungin yung mga nasa bed sides para malaman ang kumpletong detalye kung ano ang nangyari. Giit pa ni Andrew wala raw siyang idea samantalang okay daw that time ang kaniyang asawa. Wala raw kasi siyang nakausap nang maayos sa hospital ng mga panahong iniwan na sila ni Jho. Dahil dire-diretso na ang pangyayari.

Samantala, pagbabalik-tanaw ni Andrew ibinahagi niyang nagkakilala raw sila noon ni Jho sa pamamagitan ng same circle of friends. Taga Marilao, Bulacan daw ito at mahilig sumali sa mga pageant sa Bulacan. Hindi naman nakapagtataka dahil maganda ang asawa niya. Hindi raw kaagad naging sila noon ni Jho dahil nag-umpisa ang lahat sa friendship.  

Dagdag pa ni Andrew dapat ay ikakasal sila ni Jho noong Disyembre 21 kasabay ng birthday ng kanilang bunsong anak. Inayos na raw niya lahat pati sa munisipyo. Ngunit hindi na ito umabot. Bago pa man daw nagkaroon ng sakit ang asawa ni Andrew ay nagplano na raw silang magpakasal sa Christian church. Ang problema bigla raw nagkapandemic hanggang sa nawala na raw sa isip nila.

Thankful si Andrew sa mga malalapit niyang kaibigan sa showbiz na na bumisita sa lamay ng asawa niya kagaya nila Moymoy, Michael Roy Jornales, Kiel Rodriguez at iba pa. Maging ang mga netizens ay taos puso niyang pinasasalamatan. Sa mga dasal, mensahe at moral support nilang ibinibigay sa kaniyang pamilya na nagsilbi ring sandigan niya na huwag panghinaan ng kalooban. 

Para kay Andrew maraming mga moments na maaalala niya si Jho pero very significant moments daw sa kaniya ay noong ipinanganak ang kanilang panganay at ang bunso. Araw-araw, maya't maya raw niyang kinakausap si Jho kung gaano niya ito kamahal.

Nagbigay naman ng pahayag si Andrew hinggil sa naipost niya sa kaniyang social media tungkol sa Pasko.

“Well, siyempre kapag ka galit ka, kapag masama ang loob mo ayaw mong naaalala yung mga masasayang season. And this season is brings so much pain and suffering. Kaya nga sabi ko parang ayaw ko nang magPasko what’s the point of celebrating Christmas. Kaso hindi naman lahat ng tao nagluluksa tulad mo. Kaya nga sabi ko hindi ko puwedeng idamay ang lahat ng tao dahil malungkot ako. I need to greet them. I need to be happy for them diba. Ikaw lang naman yung may pain huwag mong idamay yung buong mundo.”

Hindi naman isinasantabi ng aktor na maging active muli sa showbiz. Tatapusin lang daw niya ito at magre-reset daw siya at titingnan daw niya. Pero focus muna rin daw siya mga anak niya.   

Mayroon namang realization sa buhay si Andrew sa sinapit ng kaniyang asawa.

 “Prevention is always better than any kinds of solution. If you can prevent something from happening do it. In that way niligtas mo ang sarili mo sa pag-iisip ng solusyon. Huwag ninyong babalewalain ang asthma. It’s a very serious condition.”