Dalawang lucky bettors ang tumama sa mahigit₱521.2M jackpotsa 6/58 Ultra Lotto draw nitong Biyernes ng gabi.
Sa pahayag ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nahulaan ng dalawang mananaya ang winning combination na01-23-15-03-08-05.
Nasa₱521,275,111.60 ang tinamaan ng dalawang bettor, ayon sa PCSO.
Habang isinusulat ang balitang ito ay hindi pa isinasapubliko ng ahensya kung taga-saan ang dalawang bagong milyonaryo.
Binobola ang 6/58 Ultra Lotto tuwing Martes, Biyernes at Linggo, dakong 9:00 ng gabi.