Umakyat na sa 41 ang bilang ng mga Pilipinong naputukan ayon sa datos ng Department of Health (DOH) nitong Biyernes, Disyembre 30, dalawang araw bago sumapit ang Bagong Taon.
“Since yesterday, Dec. 29, five new cases of fireworks-related injuries have been recorded from the 61 DOH sentinel hospitals,” anang DOH sa kanilang social media account.
“Currently, the total number of cases of firecracker injuries is 41, which is 52 percent higher than what was recorded last year on the covered date,” dagdag pa nito.
Muli namang nagpaalala ang ahensya sa publiko na umiwas na sa paputok para maipagdiwang ng bawat pamilya ng kumpleto at ligtas ang Pasko at Bagong Taon.
Samantala, bilang paghahanda sa pagsalubong sa Bagong Taon, ininspeksyon ng mga opisyal ng Department of Health (DOH) ang ilang malalaking pagamutan sa Metro Manila nitong Huwebes.