Sinuspindi ng National Basketball Association (NBA) ang 11 na manlalaro ng Detroit Pistons at Orlando Magic matapos masangkot sa labu-labo sa gitna ng kanilang laro sa Little Caesars Arena sa Detroit, Michigan nitong Huwebes (Biyernes sa Pilipinas).

Pinatawan ng three games suspension si Pistons point guard Killian Hayes habang dalawang laro naman ang ibinigay na suspensyon kay Orlando Magic center Moritz Wagner.

Siyam pang manlalaro sa magkabilang koponan ang binigyan ng one game suspension.

Kabilang din sa siyam na manlalaro si Pistons guard Hamidou Diallo na pinatawan ng one game ban, katulad ng walong iba pa.

'Impeach Sara!' Ilang progresibong grupo nagkilos protesta sa harap ng Kamara

Sa naturang laban, pinatalsik sa playing court sina Wagner, Hayes at Diallo dahil sa pagiging marahas sa nasabing kaguluhan.

Nanalo sa nasabing laro ang Piston nang makaiskor ng 121 laban sa 101 ng Orlando Magic.

Nasa Pistons ang siyam na puntos na bentahe nang biglang uminit si Wagner matapos itulak si Hayes habang hinahabol ang bola sa sideline.

Humabol naman si Diallo at itinulak si Wagner. Sinuntok naman ni Hayes sa ulo si Wagner kaya bumagsak ito sa bench ng Pistons.

Ipinaliwanag naman ng NBA na sinuspindi nila ng isang laro ang walong manlalaro ng Orlando Magic matapos sumugod sa bench ng Pistons.

Agence France-Presse