TUGUEGARAO CITY - Sinira ng mga awtoridad ang ₱60,000 na halaga ng nakumpiskang iligal na paputok sa Cagayan Valley o Region 2.

Paliwanag ni Regional Civil Security Unit 2 Asst. Chief, Police Lt. Col. Romulo Talay, ang mga nasabing paputok ay nasamsam sa magkakasunod na operasyon ng pulisya sa rehiyon.

Ang mga winasak na iligal na paputok ay kinabibilangan ng piccolo, poppop, five star, pla-pla, lolo thunder, giant bawang, whistle bomb, super lolo, large Judas belt, bin laden, mother rockets, kwitis at luces.

Idinagdag pa ng pulisya na umaasa silang mananatiing "casualty-free" ang pagdiriwang ng Bagong Taon sa pamamagitan ng mahigpit na pagpapatupad ng Republic Act No.7183 o ang batas sa pyrotechnic devices.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito