Inaasahang papatungan na naman ang presyo ng kada litro ng produktong petrolyo sa Enero 3, 2023, ayon sa pahayag ng Department of Energy (DOE) nitong Biyernes.

Sa panayam sa telebisyon, ipinaliwanag ni DOE-Oil Industry Management Bureau chief Rino Abad, mula ₱1 hanggang ₱2 ang posibleng idagdag sa presyo ng bawat litro ng gasolina.

“Well, posible po na umabot ng₱2. Posible lang po,ini-estimate pa natin ito. Meron pa tayong Friday trading price,” pagbibigay-diin nito.

Posible ring umabot sa₱2 ang ipapatong sa presyo ng diesel at mahigit sa₱2 naman ang idadagdag sa kerosene.

National

Dr. Edsel Salvana, nakatanggap ng 'Innovation Excellence Award for Research' mula sa PhilDev

Sa kabila nito, inaasahang bababa naman ang presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) ng hanggang ₱4 sa Enero 1, 2023.

Ito ang huling pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa Pilipinas ngayong 2022.