Ibinalandra ng online personality na si Xian Gaza ang mga naipundar at mga napuntahan niyang bansa ngayong 2022, na itinuring niya bilang "best year of my life."
Best year kung ituring ni Gaza ang 2022 matapos siyang makapagtravel sa 37 na bansa, makapagtayo ng ilan pang mga negosyo sa iba't ibang bansa, atbp.
"Travelled to 27 countries in Europe
Travelled to 5 countries in East Asia
Travelled to 4 countries in West Asia
Travelled to 1 country in Africa
Renewed my passport for 10 more years
Schengen visa application approved twice
Reunited with my son after 5 long years
Bonding with my mom around Europe
Christmas & New Year with my family
Bonding with my friends around Southeast Asia
Earned more than 80 million pesos cash
Established 2 companies in Dubai, UAE
Established my own casino platform
Established my Marijuana company in Thailand
Acquired 1 agricultural property in Thailand
Acquired 1 condominium unit in Alabang
Established some very high gov't connections
International friendship with Zeinab Harake," saad ni Gaza sa kaniyang Facebook post noong Disyembre 27.
"2022 is the best year of my life. Thank you Lord for everything," dagdag pa niya.
Wala na raw siyang hihilingin pa sa darating na 2023 kung hindi good health, peace of mind, genuine happiness, at malibot ang buong Japan at South Korea.
Noong nakaraang buwan, ipinagyabang ni Gaza ang halos kalahating bilyong net worth niya.
“Posting this not to inspire but to brag. Para maramdaman ng mga haters ko kung gaano sila kahirap. Haha. Buti na lang wala akong asawa, walang kahati,” mababasa sa kaniyang Facebook post.
Kalakip ng post ang detalyadong breakdown ng kaniyang assets na may kabuuang halaga na P501,704,700 at kabuuang liabilities na sa P38,125,308.
Sa kabuuang P463,579,392 na asset ngayong Nobyembre, target naman ni Xian na maabot ang billion-mark na net worth at ang debt-free goal sa susunod na taon.