Gumagawa ng ingay ngayon ang video ng pagbuking ni Comedy Queen Ai Ai Delas Alas sa isang nakatrabahong aktor na produkto ng talent-search na "StarStruck" ng GMA Network, nang kapanayamin siya ng press people tungkol sa mga karanasan niya sa mga co-actors na late nang dumarating sa set.

Sa unang bahagi ng video, makikitang natanong si Ai Ai kung nakaranas na ba siya ng panlalait sa senior stars o celebrities noong nagsisimula pa lamang siya.

Tugon ni Ai Ai, oo naman daw, subalit natatawa lamang daw siya dahil totoo naman ang sinasabi ng mga ito patungkol sa kaniya, dahil wala pa siyang "pangalan" noong mga panahong iyon.

Sey ng Comedy Queen, naloka siya sa isang sikat na sikat na produkto noon ng StarStruck dahil super late daw ang "lolo" sa pagdating sa location ng kanilang shooting ng pelikula. Ibinahagi ito sa Facebook ng showbiz insider na si "Nherz Jane".

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Ayon pa kay Ai Ai, napagsabihan daw niya ang naturang StarStruck alumnus subalit tila dinedma lamang daw siya dahil kasagsagan ng kasikatan nito noon.

Maya-maya, pinangalanan ni Ai Ai ang alumnus ng StarStruck na binabanggit niya.

"Sino nga 'yon… yung si Smiley… yung smile yung talent niya… si Rainier!" bulalas ni Ai Ai.

Ang tinutukoy ni Ai Ai ay si "Rainier Castillo" na kasabayan nina Jennylyn Mercado, Mark Herras, at Yasmien Kurdi noong season 1 ng StarStruck.

"Nagsho-shooting kami 'day, ang call time niya 8AM dumating si Lolo mo, 3PM! Wala ng araw! Naloka sa kaniya si Direk…"

"Natatandaan n'yo ba 'yon? Naloka sa kaniya yung direktor kasi nga wala na yung araw…"

Sikat na sikat at talagang tinitilian daw talaga si Rainier sa kasagsagan ng kaniyang kasikatan noon. Paglalarawan pa ni Ai Ai, nagsasampalan daw ang mga babaeng faney para lang masilayan siya, bagay na nasaksihan niya sa kaniyang mismong harapan.

Sa ngayon ay hindi na aktibo sa showbiz si Rainier. Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang dating aktor patungkol dito.