Pinayuhan ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla si suspended Bureau of Corrections(BuCor) chief Gerald Bantag na sagutin na lang ang mga reklamo laban sa kanya kaugnay ng pagpaslang kay veteran journalist Percival "Percy Lapid" Mabasa at sa umano'y "middleman" na si Cristito Villamor.

Reaksyon ito ni Remulla kasunod na rin ng naunang hamon ni Bantagsa mga nag-aakusa sa kanya na patunayan ang isinampang kaso dahil "imbento lamang umano ang mga ito."

Nahaharap si Bantag sa dalawang murder case dahil siya ang itinuturong nagpapatay kina Mabasa at Villamor.

Isinasangkot si Bantag sa pagpatay kay Mabasa matapos umanong aminin ni Villamor kay self-confessed gunman Joel Escorial na siya ang nag-utos na isagawa ang krimen.

Duterte siblings, nag-bonding: 'Always something to be grateful for'

Binawian ng buhay si Villamor sa loob ng National Bilibid Prison (NBP) nitong Oktubre 18 ilang oras matapos isapubliko ni Escorial ang nalalaman nito kaso.

Matatandaangpinagbabaril si Mabasa sa labas ng BF Resort Village sa LasPiñas nitong Oktubre 3 ng gabi.