Usap-usapan ngayon ang pag-flex ng ina nina Anne Curtis at Jasmine Curtis-Smith na si Carmen Ojales sa bago niyang boyfriend, sa mga TikTok videos nito.

Hindi paawat si Carmen sa pagpapakita nila ng sweet moments ng kaniyang boyfriend, bagay na aprub naman sa mga netizen dahil deserve naman daw nitong lumigaya.

Isa sa mga pinag-usapang TikTok nila ay ang pagpapa-"Dawn Zulueta" ni Carmen sa kaniyang jowa.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"Sana ol may pag-ibig mommy."

"Stay in love!"

"Nice couple!"

"Kakainggit naman si Mommy Carms!"

Matagal nang separated ang kaniyang ina at ang ama nilang Australian national na si James Ernest Curtis-Smith. Kuwento ni Anne, 16 pa lamang siya nang maghiwalay ang mga magulang. Marami rin sila aniyang half-siblings.