Hindi maaaring ibenta ng gobyerno ang mga nakumpiskang smuggled na sibuyas dahil na rin sa legal na balakid.

“We’re trying to find ways to bring the smuggled onions that have been caught na ilagay na sa market para mabawasan ang supply problem but there are some legal issues to doing that immediately. So, we’re still working on that,” pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa isang video na isinapubliko ng Office of the Press Secretary (OPS) nitong Huwebes.

Gayunman, hindi na nagbigay ng iba pang detalye ang Pangulo sa usapin.

Kamakailan, nanawagan sa Department of Agriculture (DA) ang publiko na ibenta na lang sa mga Kadiwa store sa Metro Manila ang mga nasamsam na puslit na sibuyas sa gitna ng nararanasang pagtaas ng presyo nito.

National

Dr. Edsel Salvana, nakatanggap ng 'Innovation Excellence Award for Research' mula sa PhilDev

Nauna nang nilinaw ng DA, hindi maaaring maikalat sa merkado ang mga ito dahil nagsisimula nang "mabulok."

Sa pinakahuling monitoring ng DA, umaabot na sa ₱720 ang kada kilo ng sibuyas sa ilang pamilihan sa Metro Manila.

Philippine News Agency