Hindi tinamaan ang mahigit sa ₱108.9 milyong jackpot sa 6/55 Grand Lotto draw nitong Miyerkules ng gabi.

Sa pahayag ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), hindi nahulaan ang winning combination na 30-25-20-41-17-42 na may katumbas na premyong aabot sa ₱108,934,440.00.

Huling napanalunan ang pinakamalaking premyo ng nasabing lotto game nitong Oktubre 1, 2022 kung saan nasa 433 ang nanalo sa jackpot na₱236,091,188.40 matapos mahulaan angwinning combination 09-45-36-27-18-54.

Binobola ang 6/55 Grand Lotto tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado.

National

Dr. Edsel Salvana, nakatanggap ng 'Innovation Excellence Award for Research' mula sa PhilDev