Matapos makatanggap ng isang parangal na "Gender Sensitivity Award" sa katatapos na 2022 Metro Manila Film Festival (MMFF) "Gabi ng Parangal" noong Disyembre 27, tila kinukuwestyon ng mga netizen kung bakit ang pelikulang "My Teacher" nina Toni Gonzaga at Joey De Leon ang nakatanggap nito at hindi napunta sa ibang pelikula.

Ayon sa ilang mga netizen, mas okay raw kung napunta ang award sa "My Father, Myself" nina Jake Cuenca, Sean De Guzman, at Dimples Romana, na idinerehe naman ni Direk Joel Lamangan.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng mga netizen.

"My Teacher, with Joey De Leon in it, winning the Gender Sensitivity Award. Lol tell me more."

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

"Ano naman 'yang gender sensitivity award?! Mabigyan lang ng award ang My Teacher?! Mema lang…"

"Bakit naman hindi gender sensitivity award ang My father, Myself? Bakit yung My Teacher ni Joey De Leon? Totoo ba?"

"Bakit nanalo ng gender sensitivity award ang MY TEACHER eh di hamak deserved ng MY FATHER MYSELF yun…"

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ng "My Teacher" o ang MMFF tungkol dito.