Hinikayat ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) nitong Miyerkules, Disyembre 28, ang publiko na huwag tangkilikin ang mga illegal online gambling sites upang maiwasan ang scam at maging biktima ng identity theft at credit card fraud.

Sa isang pahayag, sinabi ng PAGCOR na ang pagtaya sa illegal gambling activities ay hindi lamang criminal act kundi nagiging dahilan din nang pagkalugi ng gobyerno ng bilyong pisong kita, na maaari na sanang magamit para matulungan ang milyun-milyong Pinoy.

“Betting on illegal gambling activities is not only a criminal act; it also takes away from the government billions of pesos in revenues which can be used to fund priority programs that will benefit a greater number of Filipinos,” anang PAGCOR.

Hinikayat rin ng PAGCOR ang mga gaming aficionados na maglaro lamang sa lisensyadong online-based gaming tulad ng Electronic games (E-Games) at Electronic bingo games (E-Bingo) para sa makatuturang paglalaro.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Ang E-Games ay mga virtual games of chance, tulad ng casino games at mixed games of chance and skills, habang ang “electronic gaming” ay isang uri ng electronic games kung saan ang pagtaya ay sa pamamagitan ng computer o communication device na konektado sa Internet o gamit ang internet-based technology at iba pangcommunication devices na kailangan sa paglalaro o operasyon.

Ang E-Bingo game naman sa kabilang banda ay game of chance gamit ang electronic gaming systems na may bingo o bingo-styled cards at numbers na randomly generated ng Random Number Generator (RNG) at dini-display sa electronic screen.

Nilalaro ito sa pamamagitan ng player terminal, gamit ang electronic bingo machine. Sa sandaling makumpleto na ng player ang predetermined pattern o combination, mananalo ang player ng kaukulang premyo na naka-display sa pay table o maging ng jackpot prize.

Nabatid na nakipag-partner naman na ang PAGCOR sa Philippine National Police (PNP), National Bureau of Investigation (NBI), Bureau of Immigration (BI) at sa Office of Cybercrime (OOC) sa ilalim ng Department of Justice (DOJ) upang bumuo ng inter-agency council na hahawak ngintelligence gathering, investigations at prosecutions ng mga may kaugnayan saillegal online gaming operations, upang epektibo namang maipalaganap ang kampanya kontra sa pagkalat ng illegal online gambling activities.